Dahil likas na makapal ang mukha ko sa panahon ng Pasko (pagbigyan na, mahiyain naman ako for the rest of the year—well maliban na lang kapag birthday ko), inihahandog ko ang aking wish list para sa mga nagbabalak mag-regalo sa akin (bespren, ikaw yun).
Blender - Dahil wala lang, gusto ko ng blender. Walang pakialamanan. Pero sana yung kayang mag-crush ng yelo nang matino.
Blu-Ray Disc ng Inception - Naaalala niyo ba yug part na nasa Paris sila tapos biglang sumabog yung mga stores at library at shit? Ang ganda di ba? Mas maganda siguro yun kung HD. At iba po ang Blu-ray na original sa blu-ray-blu-ray-han sa mga bangketa.
Bagong USB to iPhone cord (sana yung orig pero di naman ako maselan) - Kasi nahahabag na ko sa itsura nung cord ko. Konting electrical tape pa, mukha na siyang paraphernalia sa paggawa ng bomba.
Wasabi-flavored Nori - Kasi adik ako.
iPhone 4S case - Kahit di ko pa nakukuha yung phone ko, mabuti nang may naka-ready na siyang lalagyan. :D At para lalo akong ma-excite at di makapaghintay sa pagdating ng December 27. Kulay red or green (or, hindi and) bilang Pasko naman. :)
Green Tea Kit Kat - Kasi ilang regular groceries, Japanese groceries at weird groceries na ang pinuntahan ko pero wala pa rin akong makita. Pengeng green tea Kit Kaaat!
Isang set ng drawing pens (0.2, 0.5, 0.8) - Kasi miss ko na mag-drawing
Nixon The 51-30 Chrono Leather Watch - Eto na ang makapal ang mukha. Pero maganda siya. Tignan mo pa! Ang sarap di ba? Tamang tama kasi wala pa kong relo para sa formal events. Malay mo isuot ko yan sa kasal mo. Or sa burol. Ewan, bahala na. Basta isusuot ko siya kapag may formal event ka. :)
15” Macbook Pro - Di naman ako choosy eh. Kahit yung pinakamurang 15” na Macbook Pro lang. Pero kung talagang wala kang budget (hay nako) okay na rin kahit yung 13”. Wala na nga lang kiss na kapalit yung gift mo. :)
1 Bedroom Condo sa Makati CBD - Dahil wala lang. Gusto ko ng condo. Salamat!
BTW, tumatanggap din pala akong cash. Puwede ring deposito niyo na lang sa mga bank account ko. IM ko na lnag sa inyo yung details. :)